Narito ang ilang tanong na hanggang ngayon hinahanapan ko pa rin ng makatwirang kasagutan. Kung matutulungan n'yo ako sa mga sagot, pakisulatan naman ako.
-Bakit kahit mas malakas na ngayon ang piso (P41+ na lang vs USD habang sinusulat ko ito), sobrang taas pa rin ng presyo ng gasolina at mga bilihin?
-Bakit ang mga sinasabing "public servants" gaya ng congressmen ay sobrang mayayaman? Bakit nakakatanggap sila ng P200 thousand na Christmas gift mula sa kongreso at P500 thousand sa Malakanyang (kung saan... kahit hindi Pasko ay nagbigayan!)?
-Bakit kahit saang linya ako pumila (sa groseri, sa trapik, sa pagbayad ng bills), 'yung linyang iyon ang pinakamabagal?
-Bakit kung hindi nasisira ang black box, hindi na lang materyales ng black box ang gamitin sa paggawa ng eroplano?
-Bakit kapag kumakain ako ng mani, kadalasan 'yung pinakahuling mani na makakain ko ay 'yun pang sunog, sira, o bulok?
-Bakit kahit hindi ako naiihi, pag tumapat ako sa inidoro ay naiihi ako?
-Bakit kapag Biyernes, malamang na munggo ang ulam ng Pinoy?
-Bakit mabilis nating nakakalimutan ang nagaganap na korupsiyon at anomalya ng mga pulitiko at nakakaligtas sila sa mga kalokohan nila?
(Marami pang susunod...)
Saturday, December 29, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Mga suhestiyong sagot:
1. Hindi kayang talunin ng "lakas" ang "taas".
2. Charity begins at home (or House...of representatives)
3. Mabagal na nga tapos dumagdag ka pa.
4. Maba-bankrupt ang black box manufacturing company.
5. Paano umiiwas na nga raw hindi mo pa rin pinatawad.
6. Pag tumalikod ka naman sa inodoro, nadudumi ka ba?
7. Sa bilangguan, tuwing Biyernes lang hindi munggo ang ulam (adobong kangkong naman).
8. Kasi nagbabahagi sila nang kaunti sa mga nakorap nila tuwing kampanya.
Post a Comment